Tag-Ulan

Kanina ay maliwanag ngunit maalinsangan.
Maagang humikab ang araw.
Katatahan lamang ng ulap.
Ngayo'y madilim, malamlam.
Bukas? -- isang tandang pananong.

Ayoko sanang isipin na...

Gaya-gaya sa akin ang umaga.
Gaya-gaya sa akin ang gabi.
Gaya-gaya sa akin ang panahon.


(Minsan, nasasalamin ang damdamin sa mga akdang naisusulat.)

Share:

0 comments